End of Contract
Magtataglish ako ngayon. Wala lang. Salamat kay Bob Ong.
I am stuck in a comedy of errors, and I am one of the central characters.
By this, I mean a true-blue literal comedy of errors. Actually, ngayon lang nga humupa konti ang pamumulaklak ng error report ko sa trabaho. I realized that the main reason why I got so many goddamn errors was that I was not paying attention, and that I am very drowsy (frankly speaking, muntik na akong mauntog sa computer monitor sa antok). Lilalaklak ko na nga ang isang basong kape every 8 in the morning para wag lang akong antukin, wala pa ring silbi. Buti na lang at dalawa ang radyo ko, yung isa, live, complete with padyak pa. Syempre, may pumalit sa ina kong si Rachelle Ann Go.heheh. At least nagigising ako - sa katatawa.
Malapit na kaming mailagay sa panganib ulit ng pagiging jobless. Come march 10 (or 11… or 12… actually, hindi ko talaga sure), ilalabas na naman ni Big Momma (aka Lucy in Hell with a Pitchfork) ang kanyang listahan ng errors at ipadadama niya sa yo kung gaano ka kahina sa pag-update at paggawa ng new entry at kung ano-ano pang ginagawa mo dito sa Fourth Circle of Hell. Mga tipong tirada na nagsasabing "Hindi mahina ang kukote mo, Iha" pero sa totoo lang, kulang na lang isumpa ka sa pakiramdam mo na incompetent ka. Hay… ewan ko ba… Siguro wala lang talaga akong magawa sa mga araw na ito kaya naglalabas ako ng sama ng loob at nanti-trip ng tao (kung alam nyo lang kung ano ang ginagawa ko dito, iisipin nyo talagang praning ako). At kung ano-ano ang pinagdidiskitahan (tama ba, Irene?hehe) sa magulong gray-walled, mumu-filled office na to.
Pero pwera biro, marami akong mamimiss kapag nilisan ko na ang lugar na ito. Andun ang pakikipagsapalaran kay Big Momma at sa kanyang endless bickering. Andyan din ang pagge-gesture ng "Karayom" sa mga kilig moments ni Inay.
At the point of typing this blog, nalaman ko na nabawasan na ang miembro ng pamilya dito sa office. Wala na si Jeff (si amain - Jeff, ikaw si Stepdad - yun yung codename mo - surprise!) at si Mae, ang aming madrasta. Pwera biro, nalulungkot ako at wala sila, at lubos naman ang nararamdaman kong poot kay Big Momma. Ewan ko ba kung bakit, pero sa tuwing nakikita, naaalala o naririnig ko sya, gusto kong mag-reenact ng isang scene na ginawa ni Beatrix Kiddo sa Kill Bill (na nampanood ko na naman kahapon. Foreshadowing daw, o.Waheheheh).
March 6, 2006
Siyempre nainis na naman ako kay Big Momma ngayong hapon na to. She was cackling like a menaupausal stepmother to my Cinderella. Grabe. Wish ko nga sana mahuli siya ni Yum-Yum na nakikipag-usap sa alahera niya, o kaya naman ay kapag malakas siyang humalakhak… kaya lang, no offense, Jel - parang weak yung personality niya. Di siya nagagalit. Sabihin kaya natin… MAGALIT KA… MAGALIT KA!!!!! Hehehehe….
Lam ninyo, I’ve been also thinking to leave this office, kung meron lang nga akong pera. Pero malayo pa yung mangyari (yung magkaron ako ng pera, hindi ang umalis dito. Sa Sabado na kaya yun?), kaya magtatayo muna ako ng unyon. Tatawagin ko itong Unyon Laban sa Malakas na Paghalakhak ni Big Momma. Mag-iisip pa ako ng variant name at acronym. Hay…
Yun lang sa ngayon. Di umaandar ang kukote ko, eh.
Comments(3)